4 patay sa pananambang

4 patay sa pananambang

August 28, 2022 @ 4:15 PM 1 month ago


PIKIT, Cotabato- Patay ang apat na lalaki matapos tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang armadong suspek, Biyernes sa bayang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Kalid Selongan, 28-anyos, Ray Dodong Santander Benias, 47-anyos, William Cantonis, 41 anyos at Darwin Cantonis, 28 anyos, lahat ng mga residente sa Barangay Kuta, ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Pikit Municipal Police Station, dakong alas-12:15 ng tanghali naganap ang krimen sa Barangay Ginatilan, Pikit, Cotabato.

Lumaba sa imbestigasyon pulisya, galing ang mga biktima sa pangingisda sa Barangay Silik at pauwi na sana ang mga ito sakay ng motorsiklo.

Pagdating sa naturang lugar bigla na lamang silang hinarang ng mga armadong suspek at pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang pagsisiyasat ng pulisya sa nabanggit na krimen. Mary Anne Sapico