4 patay sa tumalon na van sa dagat

4 patay sa tumalon na van sa dagat

February 9, 2022 @ 10:53 AM 8 months ago


BUTUAN CITY – PATAY ang apat na katao matapos tumalon ang sinasakyan nilang van sa dagat kahapon ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Roderick Lamigo, Harold Bitangcol, Michael Abaab ug Luther Deguito, at pawang mga residente sa Cagwait, Surigao del Sur.

Patuloy naman ginagamot sa Butuan Medical Center ang walong iba pa na sakay ng Toyota Hi-Ace van.

Batay sa report ng Butua City Police Station, dakong 7:00 AM naganap ang insidente sa Purok 2, Brgy. De oro, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Pastor Semanes Jr., sakay ng nasabing van, bandang 5:00 AM galing sila ng Brgy. Arasa-asan at 12 silang sakay ng van patungo sanang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Statistics Authority (PSA) sa naturang lungsod para kumuha ng kanilang mga dokumento.

Subalit pagsapit sa nabanggit na lugar bigla na lamang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng van at nagtuloy-tuloy itong nahulog dagat.

Dahil dito, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan at apat na naging sanhi ng kanilang kamatayan habang ang walo ay dinala sa ospital para lapatan ng lunas.

Sinabi naman ng mga residente na ang nasabing lugar ay ‘accident prone area.’ Mary Anne Sapico