4 pelikulang pasok sa MMFF,pinangalanan na

4 pelikulang pasok sa MMFF,pinangalanan na

July 18, 2020 @ 12:00 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isinapubliko na ng Metro Manila Film Festival ang unang apat na official entry ngayong 2020.

Sa Facebook post, nakapasok ang “Magikland,” “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan,” “The Exorcism of My Siszums,” at “Praybeyt Benjamin 3” sa 2020 lineup.

“Congratulations to the first four official entries for 2020 Metro Manila Film Festival,” saad sa caption ng post.

Ang naturang film festival ay nasa pangunguna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kadalasang idinadaos tuwing Christmas season.

Nakatakda sana ang unang summer edition ng MMFF noong Abril ngunit nakansela dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...