4 preso utas sa riot sa Caloocan City Jail; 30 sugatan

4 preso utas sa riot sa Caloocan City Jail; 30 sugatan

January 11, 2022 @ 6:40 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Todas ang apat na Person Deprived of Liberty (PDLs) o mga preso habang mahigit kumulang sa 30 naman ang nasugatan nang sumiklab ang riot sa loob ng Caloocan City Jail kaninang hapon.

Base sa spot report na inilabas ng Northern Police District (NPD) kinilala ang mga namatay na sina Arturo Biasa at Hans Omar, kapwa miyembro umano ng commando gang; Sherwin Perez at John Patrick Chicko, na miyembro naman umano ng Sputnik Gang.

Sinabi ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson JSUPT Xavier Solda, pasado 4:00 ng hapon (Enero 10) nang magsimula ang kaguluhan sa nasabing piitan.

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalaro ng kara y kruz ang mga preso nang mag-riot at napayapa lamang ang gulo sa pagitan ng dalawang pangkat nang mabilis na makapag-responde ang Special Tactics and Response Team ng BJMP-NCR kabilang na ang mga kapulisan mula sa NPD.

Samantalang agaran naman na ipinag-utos ni BJMP Chief Jail Director General Allan Iral ang pagsagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente kung ano ang naging ugat ng riot.

Patuloy naman inaalam ng pamunuan ng BJMP ang pagkakakilanlan ng mga mga inmates na mga sugatan.

Sinabi naman ni Solda na sa kasalukuyan nagdagdag na ang BJMP ng karagdagang mga personnel sa Caloocan City Jail at nanatiling nasa heightened alert status ang kulungan bunsod na rin sa naganap na insidente. Jan Sinocruz