4 prexy bets ‘di aatras sa Halalan 2022

4 prexy bets ‘di aatras sa Halalan 2022

April 17, 2022 @ 12:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Iginiit ng apat na kandidato nitong Linggo ang kanilang desisyon na ituloy ang kandidatura sa pagka-presidente sa gitna ng mga panawagan mula sa ilang sektor sa kanilang pag-atras, batay sa mga resulta ng survey kung saan makikita ang as two-way presidential race sa pagitan nina former Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice President Leni Robredo.

Sa press conference, sinabi nina presidential aspirants Isko Moreno Domagoso, Panfilo “Ping” Lacson at Norberto Gonzales na hindi nila babawiin ang kanilang kandidatura sa pagka-pangulo.

“Hinding-hindi kami magbibitiw sa kampanya. Ang bawat isa sa amin ay magpapatuloy sa aming mga sariling kandidatura upang maging karapat-dapat na pagpilian ng sambayanang Pilipino,” paglalahad ni Domagoso ng joint statement.

Ani Domagoso, lumagda rin si Sen. Manny Pacquiao sa pahayag subalit hindi pa nakararating sa press conference sa Makati City hotel. RNT/SA