4 probinsya uulanin sa Amihan

4 probinsya uulanin sa Amihan

December 18, 2022 @ 8:26 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Uulanin ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Aurora, at Quezon ngayong Linggo bunsod ng Northeast Monsoon (Amihan).

Ibibala rin ng PAGASA ang posibleng flash flood o landslide bunsod ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Ang Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa shear line na nakakaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas. Ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ay maaaring humantong sa mga pagbaha o pagguho ng lupa.

Samantala, ang Metro Manila, Ilocos Region, at ang natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region, Central Luzon, at Calabarzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan dulot ng monsoon.

Para sa nalalabing bahagi ng bansa, ang mga lugar na ito ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms. Sa panahon ng matinding bagyo, maaaring magresulta ang flash flood o landslide.

Sumikat ang araw bandang alas-6:14 ng umaga habang lulubog ito ng 5:31 ng hapon. RNT