4 rehiyon, 2 probinsya uulanin sa namumuong bagyo

4 rehiyon, 2 probinsya uulanin sa namumuong bagyo

June 27, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magpapaulan sa Visayas, Bicol Region, Calabarzon, Mimaropa, Isabela, at Aurora ang namataang low pressure area (LPA) sa silangan ng Camarines Norte ngayong Lunes, ayon sa pagtataya ng panahon ng PAGASA.

Ibinabala rin ng weather bureau ang posibleng flash flood o landslide bunsod ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Alas-3 ng madaling araw, tinatayang nasa 70 km hilagang-kanluran ng Virac, Catanduanes o 100 km silangan ng Daet, Camarines Norte ang LPA.

Samantala, ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms. Sinabi ng PAGASA na maaaring magresulta ang flash flood o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkulog.

Sumikat ang araw bandang alas-5:30 ng umaga habang ang paglubog ng araw ay mamayang alas-6:29 ng gabi. RNT