4 rehiyon pinangalanan ng OCTA na sentro ng COVID-19

4 rehiyon pinangalanan ng OCTA na sentro ng COVID-19

December 1, 2020 @ 6:05 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tinukoy ng OCTA Research team ang apat na rehiyong sentro ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

“Ang epicenters ngayon nasa Metro Manila, Davao, and Calabarzon. Nandoon pa rin ‘yun sa Quezon, nakikita natin tumataas pa ang kaso. Sa Central Luzon, actually kasama din ‘yan, dahil tumataas sa Bulacan, at saka sa Pampanga,” ayon kay Dr. Guido David sa isang public briefing.

“Medyo marami pa rin ‘yung epicenters natin. Hindi pa rin talaga nawawala ‘yung virus. So, Metro Manila, Davao Region, Calabarzon, and parts of Central Luzon,” dagdag nito.

Giit din ni Professor Ranjit Rye sa publiko na sundin ang health protocols sa pinaluwag na quarantine restriction upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

“Ito ang kailangan ayusin ng gobyerno in the next weeks or so: ‘yung communication. Kasi tumataas ‘yung mga kaso. Bagamat mabagal pa ang pagdagdag ng kaso, ini-expect natin na tataas ‘yan,” ani Rye.

“Ang kailangan natin i-prevent ‘yung sinasabing surge, ‘yung pagbulusok ng mga kaso na mapupuno ang mga ospital at maraming health workers ang mahihirapan. At maaaring maraming mamatay,” punto pa nito.

Batay sa public address ni Pangulong Duterte, nasa ilalim ng GCQ ang Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan, at Davao City habang ang nalalabing lugar sa bansa ay nas MGCQ. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...