4 Sagip party-list nominees nag-resign; Marcoleta bagong 2nd nominee

4 Sagip party-list nominees nag-resign; Marcoleta bagong 2nd nominee

June 17, 2022 @ 4:30 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Apat na nominado ng Sagip party-list ang umurong sa kanilang nominasyon bilang kinatawan, habang nananatili sa posisyon si Rep. Rodante Marcoleta, sa partido, na ngayon ay bagong second nominee, base sa Commission on Elections  (Comelec) nitong Biyernes.

Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na inaprubahan ng poll body ang Withdrawal of Nomination ng second nominee na si Erlinda Santiago, third nominee na si Kristine Angela Redoble, fourth nominee na si Fenicris Santos, at fifth nominee na si Emelinda San Antonio.

Si Marcoleta, na umurong sa kanyang senatorial ambition noong Halalan 2022, ang kinikilala ngayong second nominee ng partido na nagkamit ng dalawang pwesto sa Kamara.

Pinalitan naman ang mga nagbitiw nina Jocelyn Bituin, bagong third nominee; Ruth Bajas, bagong fourth nominee; at Alvino Cruz, bagong fifth nominee.

Si Caroline Tanchay ang first nominee ng Sagip Partylist. RNT/SA