4 sangkot sa Trafficking in Person, naharang sa Tawi-Tawi

4 sangkot sa Trafficking in Person, naharang sa Tawi-Tawi

February 6, 2023 @ 9:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Apat na pasaherong sangkot sa Trafficking in Person (TIP) ang naharang sakay ng M/V Everqueen sa Tawi-Tawi.

Tumulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nasabing operasyon.

Ayon sa PCG’s Maritime Security Law Enforcement Command (MARSLEC), umamin ang apat na pasahero na plano nilang tumulak ng Malaysia upang magtrabaho sa J/T Logging Company sa pamamagitan ng backdoor channel.

Sila ay ite-turn over sa Bongao Municipal Interagency Committee Against Trafficking (MIACAT) para sa tamang disposisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden