4 site nakahanda na sa COVID vaccination sa edad 5-11

4 site nakahanda na sa COVID vaccination sa edad 5-11

February 3, 2022 @ 5:35 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nakahanda na ang apat na site para sa COVID-19 vaccination ng mga nasa edad lima hanggang 11 11, ayon sa Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP).

Sa panayam ng Balitanghali, sinabi ni PIDSP president Dr. Mary Ann Bunyi na nakahanda na rin ang healthcare workers na naka-assign sa vaccination sites.

“Bukas po kasi apat na sites pa lang po, so tatlong ospital at isa pang off-hospital site so yung mga healthcare workers po dito ay handa na. Bising-busy nga po sila sa paghanda para bukas.”

Maaalalang iniusod ang vaccination sa Lunes, Pebrero 7 dahil sa logistical difficulties.

Tinanong din si Bunyi tungkol sa ibang vaccination sites na naunang inanunsyo.

 “Hindi ko po alam yan, pero tatlong ospital po ang sigurado po ako: yung Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, and Philippine Heart Center, at saka Manila Zoo po yata kasama.” RNT/FGDC