4 sugatan sa salpukan ng 2 EDSA carousel buses

4 sugatan sa salpukan ng 2 EDSA carousel buses

September 12, 2022 @ 3:35 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Apat katao ang sugatan nang dalawang pampasaherong bus ang aksidenteng magkasalpukan sa bahagi ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) Bus Carousel sakop ng Bagong Barrio, Caloocan City Lunes ng umaga.

Ayon sa  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang dalawang  EDSA Bus Carousel buses ay naaksidente 7:56 a.m. sa southbound lane.

Nabatid, ang bus na papasok sa Carousel ay sumalpok sa isa pang bus sa loob ng Carousel, na ikinapinsala ng apat na tao.

Dagli naman umanong rumesponde ang traffic enforcers, maging ang mga kawani ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT), at isang ambulansya at tow truck din ang ipinadala sa pinangyarihan ng insidente. Merly Iral