4 sunod na oil price hike asahan!

4 sunod na oil price hike asahan!

January 23, 2022 @ 2:40 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahang magpapatupad muli ng malakihang taas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Ito na ang ikaapat na sunod na linggo ng oil price hike kung saan tinatayang nasa P1.50 hanggang P1.60 sa kada litro ng gasolina, P1.80 hanggang P1.90 sa kada litro ng diesel, at P1.60 hanggang P1.70 sa kada litro naman ng kerosene.

Batay sa datos ng industriya ng langis sa bansa, umaabot na sa tinatayang P2.60 sa kada litro ng gasolina, P3.50 sa kada litro ng diesel, at P2.74 sa kada litro ng kerosene ang itinaas simula pagpasok ng taon 2022. JAY Reyes