4 suspek sa Degamo slay kinasuhan na

4 suspek sa Degamo slay kinasuhan na

March 7, 2023 @ 7:16 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinampahan na ng patong-patong na reklamo sa piskalya ang apat na suspek sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ang mga kasong isinampa sa apat na hindi pa pinangalanang mga suspek ay multiple murder, frustrated multiple murder, illegal possession of firearms and explosives.

Matatandaang naging mabilis ang pag-aresto sa tatlong suspek sa pagpatay kay Degamo. Sa ulat ang ilan sa mga ito ay dati pang miyembro ng kasundaluhan.

Siniguro naman ni Plt. Col Gerald Ace Pelare na hindi titigil ang kapulisan hangga’t hindi nahuhuli ang mastermind at iba pang mga suspek.

“Rest assured that we will not rest until all the perpetrators will be put to jail.”

Patuloy naman ang pag-bantay-sarado ng mga border ng probinsya habang tinutugis ang iba pang mga sangkot. RNT