4 tao, patay sa pamamaril ng riding in tandem

4 tao, patay sa pamamaril ng riding in tandem

June 19, 2018 @ 2:10 PM 4 years ago


 

Antipolo City – Todas ang apat na indibidwal na pawang nasa drugs watchlist ng pulisya makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Antipolo City kamakalawa ng gabi.

Tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima na sina Rommel Bedrona, 30; Leonard Constantino, 27, alyas Sarge; Dave Natalaray, 30; at ang 21 anyos na live in partner nito na si Margaret Diane Salazar, lahat ay residente ng Barangay Mambugan.

Batay sa inisyal na ulat ng Antipolo City Police, alas 11:30 ng gabi habang nasa kalagitnaan ng inuman ang mga biktima sa bahagi ng 1st street Virginia Summerville subdivision ng biglang sumulpot sa kanilang harapan ang apat na armadong lalaki na lulan ng dalawang motorsiklo at sabay sabay silang pinaputukan ng mga ito.

Dead on the spot sa lugar ng insidente ang tatlo habang si Salazar ay namatay habang isinusugod sa ospital.

Napag-alaman sa report na ang mga biktima ay nasasangkot sa ibat ibang krimen partikukar ang paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso. (Jeff Gallos)