4 tiklo, 49 kakasuhan vs illegal streaming ng MMFF movies

4 tiklo, 49 kakasuhan vs illegal streaming ng MMFF movies

January 6, 2021 @ 4:40 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Arestado ang apat na indibidwal habang 48 ang tinatayang makakasuhan dahil sa iligal na ‘streaming, downloading, distributing’ ng film entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF), batay sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa naging pahayag ni MMDA Chairman Danilo Lim bago ang kanyang pagpanaw, titiyakin ng ahensya na makikipag-ugnayan sila sa Anti-Piracy Task Force upang mapanagot ang mga nasa likod nito.

“Piracy is a crime,” saad ni Lim.

“We shall pursue these violators to the full extent of the law and we shall keep a close watch against film pirates.”

“Let us not watch or buy pirated copies, not only that it is illegal but patronizing them would discredit Filipino filmmakers’ hard work, talent, money, tears and blood put into their projects,” lahad pa nito.

Mapapanood naman ang mga pelikula sa MMFF sa Upstream.ph hanggang  January 7. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...