4 tiklo sa binaklas na drug den sa Lanao

4 tiklo sa binaklas na drug den sa Lanao

November 27, 2022 @ 2:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang apat na indibidwal sa pinatatakbong drug den sa Lanao del Sur nitong Sabado, Nobyembre 26.

Ayon kay Col. Richard Verceles, operations chief of the Area Police Command – Western Mindanao, binaklas ng pulisya ang drug den kasabay ng anti-drug operation sa Barangay Lilod-Maguing, Maguing, Lanao del Sur.

Kinilala ni Verceles ang mga suspek na sina
Esmail Mipangkat, 28; Mupte Marohom, 23; Ali Tomao, 43; at Jamil Arobinto, 40.

Nasabat ng mga awtoridad ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated street value na PHP170,000, at samu’t saring drug paraphernalia.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, isang negosyante rin ang naaresto sa ikinasang search warrant operation sa Payao, Zamboanga Sibugay.

Ayon naman kay Col. Eduard Mallo, Zamboanga Sibugay police director, inaresto ang suspek na si Mael Lucamura, 36, sa ikinasang operasyon sa Purok 1, Barangay La Fortuna, Payao nitong Biyernes, Nobyembre 25.

Nakuha naman dito ang nasa 0.176 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa apat na heat-sealed plastic sachet na nagkakahalaga ng P1,196.

Nahaharap din sa kaparehong kaso ang suspek. RNT/JGC