4 tiklo sa buy-bust operation

4 tiklo sa buy-bust operation

December 4, 2020 @ 12:48 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Swak sa kulungan ang apat na drug personalities matapos na magsagawa ng magkahiwalay na buy-bust operation ang pulisya sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga naarestong sina Daniel Yco Sr., 46, Juluis Taguines, 24, Ronel Galino, 31, pawang nasa drug watchlist ng mga awtoridad at residente ng Brgy. Ugong ng nasabing lungsod.

Ayon kay Valenzuela City Police Station Drug enforcement Unit (SDEU) investigator PSMS Fortunato Candido, dakong 1:00 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa NPC Road, Brgy. Ugong.

Agad na dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang P500 marked money mula sa isang undercover police na nagpanggap na buyer ng droga kapalit ng isang plastic sachet ng shabu.

Nakuha sa mga suspek ang aabot sa 3 gramo ng shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, buy-bust money, P400 bills at isang cellphone.

Nauna rito, dakong alas-6:30 ng gabi nang madakip ng SDEU team 3 sa buy-bust operation sa Manotoc St., Brgy. Marulas si Francis Fabian, 21 ng Constabulary St., Commonwealth, Quezon City.

Nasamsam sa suspek ang aabot sa 10 gramo ng shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga, P500 buy-bust money, P200 bill, dalawang cellphone at digital weighing scale na ginagamit na pangtimbang ng iligal na droga. R.A Marquez


  •  
  •  
  •  

Loading...