4 timbog sa nilansag na drug den

4 timbog sa nilansag na drug den

November 17, 2022 @ 9:01 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Apat na tulak ng illegal na droga ang sinakote sa sinasabing nilansag na drug den sa Valenzuela City.

Arestado ang itinuturong drug den maintainer na si Anthony Dalida, 42; Reynaldo PJ Tadaya, 28; Mark Anthony Buan, 32 at Randy Peteza, 34 sa nasabing operasyon nitong Martes, Nobyembre 15 bandang 7:30 ng gabi sa Villa Barretto, Barangay Canumay West, ng nasabing lungsod.

Ilang buwan umanong minanmanan ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga galaw ng target na si Dalida bago isinagawa ang buy-bust operation.

Maliban sa 17 gramo shabu, nakumpiska din sa operasyon ang sari-saring drug paraphernalia, isang motorcycle at identification cards. Merly Iral