4 timbog sa P352K ‘tobats’

4 timbog sa P352K ‘tobats’

November 24, 2021 @ 4:15 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang apat na indibidwal kasunod ng ikinasang buy bust operation ng Manila Police District sa Baseco Compound, Port Area, Maynila kahapon.

Binitbit ng pulisya ang target na si Norma Batua, 40, residente ng 12th Street, Barangay 650, Port Area.

 

Naaresto rin sa operasyon ang sinasabing buyer ni Batua na sina alyas “Toto” miyembro ng Batang City Jail, residente ng Baseco Compound, Port Area, isang alyas “Murphy,” 39-anyos, kaanib ng Sputnik Gang, at isang alyas ” Danica” na pawang residente ng Tioco St., sa Barangay 91 sa Tondo na kapwa mga biyahero umano.

Sa ulat ni P/ Lt.Col. Robert Domingo, Station Commander ng MPD- Station 13, ikinasa ang operasyon kahapon sa nasabing lugar kung saan nagpanggap na bibili ang isang operatiba ng nasabing istasyon.

Nakuha sa mga suspek ang anim na plastic sachet na hinihinalang shabu na tumitimbang ng 51.9 na gramo ,katumbas ng nasa P352,000.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 Sec 5 at 11 ang tulak ng droga na si Batua,habang RA9165 Sec 11 naman ang tatlong iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden