4 timbog sa Valenzuela buy-bust

4 timbog sa Valenzuela buy-bust

July 10, 2021 @ 10:53 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Swak sa kulungan ang apat na hinihinalang drug personality matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw

Kinilala ang mga suspek na sina Albert Torres, 41; Enrique Aquino, 46; Edmond Victoriano, 29; at John Michael Vincent Pitogo, 31.

Sa ulat, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng buy bust operation sa Blk. 3 Bldg 8, Unit 211 Disiplina Village, Brgy. Bignay.

Kaagad dinamba ng mga operatiba si Torres at Aquino matapos bentahan ng P1,500 halaga ng droga ang isang pulis na poseur-buyer habang naaktuhan namang sumisinghot umano ng shabu si Victoriano at Pitogo.

Narekober sa mga suspek ang tinatayang nasa anim na gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P40,800; buy bust money na isang tunay na P500 bill; at 2 pirasong P500 boodle money; P200 cash; dalawang cellphone; at ilang drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (R.A Marquez)