4 Tsino todas sa buy-bust

4 Tsino todas sa buy-bust

September 7, 2021 @ 6:22 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila – TEPOK ang apat na chinese national matapos manlaban sa buy-bust operation nang pinagsanib na pwersa  ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine kaninang umaga sa bayan ng Cadelaria lalawigan ng Zambales.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga napatay na sina Gao Manzhu 49-anyos; Hong Jianse, 58; Eddie Tan, 60; at Xu Youhua 50, pawang taga Fujian China.

Base sa ulat, dakong 11:30 ng umaga nang isagawa ang drug operation sa Noah Place Brgy. Libertador, Candelaria, Zambales.

Isang ahente ng PDEA ang bumili ng shabu subalit  nakatunog ang mga dayuhan na otoridad ang kanilang katransaksyon dahilan upang manlaban ang mga ito na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

 

Narekober mula sa mga suspek ang 500 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng 3.4 bilyon apat na baril,  Toyota Fortuner, 4 na celphone at 2 chinese passport. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •