4 tulak arestado sa P145K damo sa Navotas

4 tulak arestado sa P145K damo sa Navotas

January 8, 2023 @ 2:19 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Bagsak sa loob ng rehas na bakal ang apat na hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos madakma sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

Sa report ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong alas-9:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unoit (SDEU) sa pangunguna ni PCPT Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa Langaray St., Brgy. NBBS Dagatdagatan.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si si Jansen Enriquez alyas “Tutoy”, 21, (listed/pusher), kasama si Sherwin Hernandez, 37, matapos bintahan ng P500 halaga ng marijuana ang isang undercover police poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 1,070 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may corresponding standard drug price Php 128,400, sling bag at buy bust money.

Nauna rito, natimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Badeo 5 St., Brgy. San Roque, dakong alas-12:10 ng madaling araw sina Mark Raven Lim, 26 at Ricardo Luzano alyas “A-Ai”, 18, kapwa (listed/pusher) at parehong residente sa lungsod.

Nasamsam sa mga suspek ang humigi’t kumulang 140 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P16,800, P500 marked money at isang brown paper bag.

Ani PCpl Ramir Ramirez, kakasuhan nila ang mga suspek ng paglabag sa Section 5 (Sale), at Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug), Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Boysan Buenaventura