4 tulak nalambat sa Navotas buy bust

4 tulak nalambat sa Navotas buy bust

January 19, 2023 @ 2:34 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng apat na hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa Tumana, Brgy. NBBS Dagat-dagatan, Navotas City.

Kaagad pinosasan ng mga operatiba sina Alfredo Lumabas alyas “Redie”, 57, (pusher/listed) at Mervin Simeon alyas “Inggo”, 40, (pusher/listed), matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang undercover police poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet kabilang ang “subject of buy bust” na naglalaman ng hindi pa mabatid na dami ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Nauna rito, bandang alas-10:10 ng gabi nang madakma naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Badeo 5, Brgy San Roque sina Victor Torres alyas “Batman”, 30 at Christian Castillo alyas “Itchan”, 24, kapwa residente ng lungsod.

Nasamsam sa kanila ang humigi’t kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, at P200 bills na ginamit bilang buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura