4 ‘tulak’ ng illegal petroleum products timbog sa Bulacan buy-bust

4 ‘tulak’ ng illegal petroleum products timbog sa Bulacan buy-bust

September 14, 2022 @ 3:50 PM 2 weeks ago


STA. MARIA, Bulacan – Arestado ang apat na pinaghihinalaang nagbebenta ng illegal petroleum products sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Maria.

Kinilala ni Bulacan Police Officer-In-Charge PCOL. Relly Arnedo ang mga suspek na sina Ian Jay Sabinorio, Lalaine Tompong, Rolly Enting at Roy Mahusay kapwa residente ng Brgy. Caypombo.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation And Detection Group- Bulacan at Sta. Maria police bandang alas 5:45 ng hapon nitong Setyembre 13, sa Brgy. Caypombo.

Nag-ugat ang operasyon matapos may magreklamong concerned citizen sa mga awtoridad na may bentahan ng illegal petroleum products sa lugar.

Sinsabing naaktuhan ang mga suspek na nagbebenta ng iligal na produkto kaya sila inaresto.

Nakumpiska sa lugar ang 30 butane canister, anim na kahon ng butane canister with Liquefied Petroleum Gas (LPG) ( 28 cans box), anim na kahon nh empty butane cans (28 cans each box), 19 sack of empty cans, (50 cans each sacks), 18 tank with LPG, anim na empty LPG tanks, refil mechanism na may hose pipe, weighing scales, mobile van at marked money.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga naarestong suspek. Dick Mirasol III