4 tulak tiklo sa P3.4M shabu sa Quiapo

4 tulak tiklo sa P3.4M shabu sa Quiapo

July 15, 2020 @ 1:22 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Apat na hinihinalang tulak ng droga ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahulihan ng aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu sa Quiapo, Maynila.

 

Isinagawa ang buy-bust operation ng PDEA sa Barangay 384.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Akmad Sumira Utawan, Jimmy Sangcala Imperial, Aminah Adam Macabato at Norainma Ibta Cabugatan.

 

Ayon kay PDEA agent Christopher Basilio, matagal nang sinusubaybayan ang mga suspek dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Halos isang kilo ng shabu ang nasamsam mula sa mga suspek na dalawang lalaki at dalawang babae.

 

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...