4 tulak tiklo sa QC buy-bust

4 tulak tiklo sa QC buy-bust

March 14, 2021 @ 12:50 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng QCPD-SDEU ng Station 5 sa Quezon City gabi ng Sabado.

Naaresto sa operasyon sina Ronny Flores; 28-anyos; Lita Rose Flores, 48; Key Galendez, 36-anyos at si David John Felicia, 24-anyos.

Nakuha sa mga suspek ang walong piraso na sealed sachet na shabu na umaabot na sa P54,400 at buy-bust money.

Nahaharap ang mga ito sa kasong Sec 11 Art ll of RA 9165. Danny Querubin