4 tulak timbog sa buy-bust sa Malabon

4 tulak timbog sa buy-bust sa Malabon

September 15, 2020 @ 12:10 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Walang kawala ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City kagabi.

Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na sina Mark Anthony Ellaso, 35, Jose Taguiwalo, 48, Dennis Cruz, 49 at Rey Hernando, 34, (pusher/listed).

Ayon kay Col. Tamayao, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa illegal activities ng mga suspek kaya ikinasa ang buy-bust operation sa pangunguna ni P/Lt. Adonis Aguila.

Nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang undercover police ng P1,000 halaga ng shabu at napagkasunduan ng mga ito na magkita sa Dr. Lascano St. corner Concepcion St. Brgy. Tugatog.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang 49 plastic sachets na naglalaman ng 100 gramo ng shabu na nasa P680,000 ang halaga at buy-bust money.

Sasampahan ng pulisya ng kasong Sec. 5 (sale) at Sec 11 (possession dangerous drugs) Art II of RA 9165 ang mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. Boysan Buenaventura


  •  
  •  
  •  

Loading...