4 volcanic quakes recorded naitala sa Taal Volcano

4 volcanic quakes recorded naitala sa Taal Volcano

October 1, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala sa Taal Volcano sa Batangas ng apat na volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Sabado.

Kabilang dito ang dalawang volcanic tremors lna umabot ng isa hanggang dalawang minuto sa low-level background tremor.

Nagbuga rin ang bulkan ng 7,015 tons ng sulfur dioxide nitong Biyernes, base sa PHIVOLCS.

Mas mababa ito kumpara sa 10,718 tons ng sulfur dioxide noong Huwebes.

Naobserbahan din ang voluminous emission ng plumes na abot hanggang 1,200 metro pa-northwest.

Nananatili rin ang Alert Level 1 (low-level unrest) sa Taal Volcano.

Muli nitong iginiit na ang permanent danger zone — Taal Volcano Island partikular na ang main crater at Daang Kastila fissures — ay panatilihing off limits.

Ipinagbabawal din ang paglagi at pamamangka sa Taal Lake, base sa PHIVOLCS.

Ipinagbawal din nito ang pagpapalipad ng aircraft malapit sa bulkan. RNT/SA