4-year terms na may reelection sa national, local execs, oks kay Ejercito

4-year terms na may reelection sa national, local execs, oks kay Ejercito

July 11, 2022 @ 6:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bukas kay Senador JV Ejerctio na palawigin ang termino ng president, bise president at local na opisyal sa pamamagitan ng pagbibigay ng four-year term na may reelection kapag sinimulan ang pagbalasa sa Saligang Batas sa 19th Congress.

Sa interview, sinabi ni Ejercito na dapat pag-aralan nang mabuti ang term extension saka binanggit na masyadong maikli ang termino ng isang alkalde at kongresista na pawang tatlong taon lamang.

“Perhaps we can consider going to the four-year term [just like] before because I think the 5 years that [are] being proposed might be too long. Four-year term with reelection for national officials, particularly the president and vice president just like our old constitution and probably four-year term also for our local officials so that we can be more productive,” ayon kay Ejercito.

Sinabi ni Ejercito na kapag nagkaroon ng reelection sa partikular na halal na opisyal ito ang magiging constituents assessment sa performance nila.

Pero, sinabi ni Ejercito n a kapag binago ang Saligang Batas, dapat bigyan ng prayoridad ang pag-aamyenda sa economic provisions.

“I am more particular in the economic provision so we can be more competitive again. Because when it was written, there is no such thing as globalization, world wide web, internet. The world has become smaller. So we have to adapt to the situation. I am more particular in the economic provisions so that we can be more competitive,” giit ni Ejercito.

Ngunit, aniya kahit bukas ang kanyang isipan sa term extension ng elected officials, hindi ito ang dapat inuuna ng 19th Congress.

“I have more other matters that I would like to pursue, especially the Universal Health Care Law, comprehensive master plan. So I have these as priorities. But again for constitutional amendments I would like to be more focused on the economic provisions rather than the political provisions,” giit niya. Ernie Reyes