40 Cebu City Hall employees positibo sa droga

40 Cebu City Hall employees positibo sa droga

December 21, 2022 @ 7:19 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpositibo sa droga ang 40 sa 3,007 empleyado ng Cebu City Hall matapos ang ikinasang sunod-sunod na surprise drug test.

Iniulat ng Cebu City Office for Substance Abuse Prevention (COSAP) na mayorya o 13 sa 40 indibidwal na nagpositibo sa drug test ay tauhan ng Cebu City Transportation Office (CCTO).

Ayon naman kay CCTO head Raquel Arce sa isang ulat na 12 dito ang kaswal na empleyado at ang isa ay job order employee.

Aniya pa na nakatakdang sumailalim sa confirmatory test ang mga nagpositibo.

Pinayuhan din niya ang mga magpo-positibo sa confirmatory test na sumailalim sa voluntary rehabilitation. RNT