40% lang ng P3.3-B online learning budget ng CHED, nagastos sa 2020 – COA

40% lang ng P3.3-B online learning budget ng CHED, nagastos sa 2020 – COA

July 7, 2021 @ 6:19 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Sinita ng state auditor ang Commission on Higher Education (CHED) sa mabagal nitong paggastos ng inilaang ₱3.3-billion pondo para sa online learning sa pandemya.

Ayon sa annual report ng Commission on Audit (COA) nasa 40.61% o ₱1.3 billion lang ang nagastos ng CHED noong 2020.

Karamihan pa sa mga hindi nagamit na pondo ay nakalaan para sa financial at material assistance sa mga state universities at colleges (SUCs) para sa smart campuses.

“The review process took some time as this involves iterations of comments from experts and revisions by proponent SUCs,” ayon sa COA.

Dahil dito, inirekomenda ng COA na dapat gumawa ang CHED ng istratehiya para mahabol ang mga setback. RNT