40 pamilya nawalan ng tirahan sa pagbaha sa Zamboanga

40 pamilya nawalan ng tirahan sa pagbaha sa Zamboanga

August 10, 2020 @ 1:24 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Zamboanga Del Sur – Aabot sa 40 pamilya at tatlong nayon ang naapektuhan ng pagbaha dahil sa malalakas na pag-ulan nitong Linggo ng hapon sa Sitio Basagan Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Ayon kay City Social Welfare and Development officer Maria Socorro Rojas, kasalukuyang nasa evacuation center ang nasabing mga pamilya para sa kanilang kaligtasan.

Nabatid na 36 pamilya o 108 indibidwal ang lumikas mula sa nayon ng Curuan at apat naman sa Barangay Tagasilay habang wala namang lumikas sa Vitali

Sinabi ni City Disaster Risk Rduction and Mnagement officer Elmeir Apolinario na una na silang nagpalabas ng flood alert sa tatlong baranggay na Tagasilay, Vitali at Curuan ganap na 2:00 ng hapon.

“There’s a rockslide in the highway of Barangay Mangusu, landslide in Barangay Tigbalabag, but all roads are still passable,” ani Apolinario. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...