40 patay sa pagsabog sa minahan sa Turkey

40 patay sa pagsabog sa minahan sa Turkey

October 16, 2022 @ 9:18 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang aabot sa 40 katao at mayroong 28 pang indibidwal ang nasaktan sa nangyaring pagsabog sa isang minahan sa northern Turkey.

Ito na ang maituturing na isa sa worst industrial accidents sa mga nagdaang taon.

Nitong Biyernes, Oktubre 14 ay nagkaroon kasi ng methane blast sa minahan sa mining town ng Asmara.

“We are approaching the end of the rescue operation,” pahayag ni Energy Minister Fatih Donmez na personal na bumisita sa lugar nitong Sabado.

“The search continues for the sole person whose fate is unknown,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi naman ni Interior Minister Suleyman Soylu na maliban sa 40 kataong nasawi at nawawala, sa kabilang banda ay mayroon naman 58 minero ang nailigtas.

Ayon pa kay Soylu, mayroong 110 katao ang nasa minahan nang mangyari ang pagsabog na maaari umanong dulot ng methane.

Siniguro naman ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan namahigpit na paiimbestigahan ang nangyaring insidente. RNT/JGC