40 PPA personnel nasapul ng COVID

40 PPA personnel nasapul ng COVID

January 3, 2022 @ 6:30 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Umabot sa 40 empleyado ng Philippine Ports Authority sa head office nito at sa National Capital Region ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Inilahad ni PPA vice chairman at general manager Jay Santiago na pinauwi sa kani-kaniyang tahanan ang mga tauhan nila para sa isolation matapos magpositibo sa antigen test nitong Lunes.

Isinailalim ang National Capital Region sa Alert Level 3 mula Enero 3 hanggang 15, 2022 kasunod ng paglobo ng COVID-19 cases sa bansa. RNT/SA