40 volcanic quakes naitala sa bulkang Taal

40 volcanic quakes naitala sa bulkang Taal

December 12, 2022 @ 3:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ibinalita ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Lunes, Disyembre 12 na nakapagtala sila ng 40 volcanic earthquakes sa bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Sa inilabas na volcano bulletin ng ahensya, sa nasabing bilang ng volcanic earthquakes, dalawa sa mga ito ang tumagal ng tatlo hanggang apat na minuto.

Mayroon din na 1,500 meter “moderate” emission ng steam-laden plume at mayroong “upwelling” ng hot volcanic fluids sa main crater lake ng bulkan.

Dagdag pa rito, nakapagtatala ng average na 2,318 tons kada araw ng sulfur dioxide (SO2) ang bulkang Taal sa huling pagsusuri rito noong Disyembre 8.

Nananatili sa Alert Level 1 ang alert status sa naturang bulkan. RNT/JGC