400 Bulakenyo, tumanggap ng P15K mula kay Sen. Bong Go

400 Bulakenyo, tumanggap ng P15K mula kay Sen. Bong Go

September 11, 2022 @ 3:50 PM 3 weeks ago


LUNGSOD NG MALOLOS- Nasa P6 milyon na tulong pangkabuhayan mula sa Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng tanggapan ni Senador Christopher Lawrence β€œBong” Go ang ipinamahagi sa 400 Bulakenyo na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium, nitong Setyembre 9.

Sumatutal, tumanggap ng P15,000 kada isa sa 400 Bulakenyong benepisyaryo na small-scale retail owners mula sa low income na tahahan na apektado ng COVID-19.

Layunin nito ang tumulong sa mga pamilya na lubhang naapektuhan ng pandemya ang pinagkukunan ng kabuhayan at para sa muling pagtatayo ng mga informal at lokal na negosyo; hanggang sa mapasigla ang paggalaw ng ekonomiya sa loob ng lalawigan.

Nagpasalamat si Gobernador Daniel R. Fernando kay Senador Go sa kanyang pagtulong at pagsuporta sa mga Bulakenyo.

β€œHindi po tayo pinababayaan ng ating mahal na Senador Bong Go. Kabibigay lamang po niya ng P10 million, sinundan na naman ng six million, at may susunod pa. Malaking tulong po ito sa ating lahat dahil marami ngayon ang walang hanapbuhay,” anang gobernador.

“Kahit pa hindi pisikal na nakadalo, hinikayat ni Senador Go ang mga benepisyaryo na gamitin sa mabuti ang ayuda at palaguin ang kanilang mga negosyo sa pamamagitan nito.

β€œAng programa pong ito ay magtuturo sa inyong magnegosyo at bibigyan po kayo ng ayuda. Palaguin po ninyo ang inyong mga negosyo. Masarap po sa pakiramdam kapag pinagpawisan at pinaghirapan po ninyo ang inyong mga negosyo,” ani Go sa video message.

Maliban sa tulong pangkabuhayan, nagpa-raffle si Senador Go ng 20 bola ng volleyball, 20 bola ng basketball, dalawang cellphone, apat na pares ng rubber shoes, at isang bisikleta sa mga dumalo.

β€œAng advocacy ko po, get into sports and stay away from drugs. Pagtulungan po natin na ilayo ang ating mga kabataan sa iligal na droga,” apela ng senador. Dick Mirasol III