400 Facebook accounts sinuspinde vs fake news sa Halalan 2022

400 Facebook accounts sinuspinde vs fake news sa Halalan 2022

April 9, 2022 @ 12:10 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Meta Platforms Inc. na inalis nito ang halos 400 accounts, pages at groups sa Pilipinas mula sa Facebook upang bantayan ang posibleng pagkalat ng maling impormasyon bago sumapit ang eleksyon sa Mayo 9.

“To help keep people safe during the upcoming Philippine General election, we’ve built new products and developed stronger policies in collaboration with the Commission on Elections, election watchdogs, independent fact checkers and civil society organizations,” pahayag ng Meta, parent company ng Facebook, nitong Miyerkules.

Sinabi rin nito na tinutukoy at inaalis nila ang anumang uri ng hate speech, bullying, at harassment sa plataporma, na labag sa ‘violence and incitement policies’ ng kompanya.

Sinuspinde rin umano ang accounts at pages ng New People’s Army (NPA) sa paglabag sa mga polisiya na nagsusulong ng karahasan, ayon sa Meta.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Meta sa mga mananaliksik at fact-checkers sa Pilipinas upang tugunan ang maling impormasyon, kaligtasan, karapatang pantao at cybersecurity. RNT/SA