400 indibidwal nakatanggap ng pamaskong handog ng ALEE Rendering Facility, SLSJ Trucking Services

400 indibidwal nakatanggap ng pamaskong handog ng ALEE Rendering Facility, SLSJ Trucking Services

December 22, 2022 @ 1:46 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Aabot sa 400 indibidwal ang nabiyayaan ng pamaskong handog mula sa ALEE Rendering Facility at SLSJ Trucking Services sa pamamagitan ni Solomon “Ka Sol” Jover kasama sina Emmanuel Guma Felix, Annie Villano at Edna Bernardo.

(Mga larawan kuha ni Jojo Rabulan)

Tradisyon na nila ang taon-taong pamamahagi ng grasya sa kanilang kapwa gaya ng bigas, groceries at cash upang maging masaya at may mapagsaluhan sa araw ng Pasko ang bawat pamilya. Ginanap ito sa Gulod San Vicente, Sta. Maria, Bulacan.