400 kg ng “double-dead” na karne, nasabat sa Divisoria

400 kg ng “double-dead” na karne, nasabat sa Divisoria

August 5, 2018 @ 8:46 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang halos 400 kilos ng “double-dead” na karne sa Recto Avenue sa distrito ng Divisoria sa Maynila kaninang umaga (August 5).

Ayon kay Dr. Nick Santos, chief of the Manila Veterinary Inspection Board’s Special Enforcement Squad, ang mga nagtangkang magbenta ng sirang karne ay mabilis na tumakas at inabandona ang kanilang mga paninda nang mapag-alaman nitong paparating na ang mga awtoridad.

Nakalagay ang ang mga karne sa woven bag at pinaniniwalang nanggaling ng Bulacan.

Dagdag pa ni Manila Veterinary Inspection Board officer-in-charge Alberto Burdeos, agad napag-alaman ng mga awtoridad na ang mga karne ay double dead dahil sa masangsang nitong amoy.

“Maputla, halatang halata ito. ‘Di pa nga fattener yan, oh. Mga piglets pa yan, oh. Maliliit ang ribs…You dont sell fresh biik sa market, eh. Bawal katayin yun. Mapulat iba ang amoy, malabsa, may balahibo,” ayon kay Burdeos.

Ibabaon sa lupa ang mga nasabat na karne dahil hindi rin ito ligtas na ipakain maging sa mga hayop. Remate News Team