400 MILF humihingi ng amnestiya sa gobyerno

400 MILF humihingi ng amnestiya sa gobyerno

October 7, 2022 @ 11:40 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 400 Moro Islamic Liberation Front (MILF) combatants ang humihingi ng amnestiya o pardon mula sa pambansang pamahalaan.

Ang listahan ng mga nagbalik-loob ay ipinasa na ngAction for Advancement and Development of Mindanao (AFADMin) kay Mohagher Iqbal, miyembro ng Parliament ng Bangsamoro Transition Authority sa Cotabato City.

Sinabi ng consultant lawyer ng AFADMin na si Badrodin Maguindra na ang listahan ay binubuo ng mga kumander at miyembro ng MILF mula sa iba’t ibang lugar ng Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao na nag-apply para sa amnestiya o pardon, kabilang ang mga nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig at New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

“If it is [being] analyzed through ideological considerations, MILF has not done wrong, but it is part of the global conflict resolutions, methodologies, and on the basis of the advice of our ulamah (Muslim scholars) for the sake of peace and best practices all over the world,” ani Iqbal.

Umaasa si Iqbal na pabilisin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proseso ng amnestiya at pardon.

Nauna rito, naghain si Lanao del Sur Representative Ziaur-Rahman “Zia” Alonto Adiong ng House Resolution No. 193 para himukin ang pangulo na agad na magtalaga ng mga miyembro ng NAC para mapabilis ang pagproseso ng amnesty at pardon grants. RNT