400 pamilya damay sa sunog sa Sta. Mesa

400 pamilya damay sa sunog sa Sta. Mesa

August 22, 2022 @ 8:21 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa kalahating milyong halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy nang masunog ang isang residential area sa Sta. Mesa Manila Linggo ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection Manila, alas 10:16 ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Valencia Street, Sta. Mesa Manila.

Umabot ito sa ikatlong alarma dahil sa laki ng sunog kung saan pawang mga gawa sa light materials ang mga bahay.

Sa ika-apat na palapag ng inuukupahang bahay ng isang Raniel Urbano umano nagmula ang sunog.

Nasa 400 pamilya naman ang nadamay sa sunog at nawalan ng masisilungan.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente at patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng pagsiklab ng sunog sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden