4,000 Chairman sa CALABARZON, nanumpa sa harap ng pangulo

4,000 Chairman sa CALABARZON, nanumpa sa harap ng pangulo

June 15, 2018 @ 2:58 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Nanumpa sa harap ni pangulong Rodrigo Duterte ang halos 4,000 na bagong halal na punong barangay sa CALABARZON kahapon.

Bago ang panunumpa, sumailalim muna ang mga ito sa orientation kung saan pinaalalahanan sila sa kanilang mga tungkulin at mga programa ng gobyerno upang sugpuin ang kriminalidad, terorismo, at katiwalian.

Samantala, sinabihan rin sila ni Duterte tungkol sa kanilang mga responsibilidad sa sinumpaang pwesto.

“Our main purpose in this job, the long and short of it, is we protect the people. That includes taking care of government welfare, property, funds and all others that would make life of Filipino at least a comfortable one for the next few months,” sabi ng pangulo.

Binanggit rin ng pangulo ang kaniyang planong aramasan ang mga barangay officials para makatulong laban sa kriminalidad pero nilinaw ng pangulo na ang mga pulis pa rin ang nakatoka sa aktwal na operasyon. (Remate News Team)