4,000 TNVS slot binuksan

4,000 TNVS slot binuksan

December 28, 2022 @ 11:08 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Mahigit 4,000 slots ang bubuksan para sa aplikasyon para sa transport network vehicle service (TNVS) simula Enero 9, 2022, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Hirap kasi makapagbook ang mga pasahero sa kasalukuyang bilang ng TNVS units na nasa 7,000, ayon sa LTFRB.

Sinabi ni LTFRB technical division head Joel Bolano na dapat humingi ng accreditation ang aplikante sa isang transportation network company (TNC).

Isusumite ng TNC ang mga aplikasyon sa LTFRB, dagdag niya.

“Inuuna muna natin na ma-accredit sila ng TNC at pinahihintulutan ng Board ang TNC na tulungan ang mga akreditadong operator o driver ng TNVS na iproseso ang kanilang aplikasyon,” aniya.

Papayagan ng LTFRB ang mga TNC na magkaroon ng 100 aplikasyon para sa prangkisa at hanggang tatlong accredited na sasakyan bawat indibidwal.

Ayon sa LTFRB, walang deadline para sa aplikasyon.

Pinagaan din ng LTFRB ang requirement para sa mga aplikanteng nasa installment plan ang mga sasakyan. Sa halip na magpakita ng certificate of conformity mula sa isang bangko kapag nag-apply, maaari na itong isumite sa panahon ng pagdinig. RNT