PRC nakiisa sa selebrasyon ng National Kidney Month

PRC nakiisa sa selebrasyon ng National Kidney Month

June 29, 2022 @ 7:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakiisa ang Philippine Red Cross (PRC) Hemodialysis Center sa pagdiriwang ng National Kidney Month ngayong Hunyo.

Ang tema ngayong taon ay  “Batong Malakas sa Panibagong Bukas.”

Ayon sa website ng National Kidney and Transplant Institute, isang Pilipino ang nagkakaroon ng talamak na renal failure kada oras, o humigit-kumulang 120 para sa bawat isang milyong tao.

Ang PRC Hemodialysis Center ay itinatag noong Nobyembre 2018 na may suporta mula sa Tokushukai Medical Group.

Ang Chairman at CEO ng PRC na si Senator Richard J. Gordon ay naisip ng Center na magsilbi sa mga mahihirap na pasyente. Noong Hunyo 28, 2022, ang Center ay nagsagawa ng 15,500 na paggamot.

Sinang-ayunan ni Gordon ang rekomendasyon ng nephrologists

upang magpasuri ng dugo para sa creatinine at isang urinalysis tuwing anim na buwan. Ang isang kasaysayan ng kidney injury o pagtaas ng mga antas ng creatinine ay maaaring mangailangan ng mas madalas na mga pagsusuri.

Ang mga nangangailangan na makakuha ng serbisyo  ng  PRC’s Dialysis Facility ay maaring magpadala sa email na [email protected]ph para sa makakuha ng iba pang detalye kung paano makakuha ng  PRC’s services. Jocelyn Tabangcura-Domenden.