405 diplomatic protest ikinasa ng Pinas vs Tsina sa WPS

405 diplomatic protest ikinasa ng Pinas vs Tsina sa WPS

September 27, 2022 @ 7:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – TINATAYANG umabot na sa 405 diplomatic protests ang naihain ng Pilipinas laban sa agresyon ng China sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Inihayag ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng kanilang budget sponsor, Manila Representative Bienvenido Abante, sa isinagawang plenary deliberations sa panukalang P20.4 billion budget para sa 2023 ng DFA.

“Since 2020, we have filed 405 protests, including diplomatic notes on daily illegal presence of Chinese vessels in Pag-asa island and Julian Felipe Reef, as well as Chinese illegal activities in West Philippine Sea such as radio challenges, dangerous maneuvers, among others,” ayon kay Abante.

“The DFA will continue to assert the Philippine sovereignty over the West Philippine Sea, and the best way to do it is to file diplomatic protest,” ang wika pa nito.

Tinukoy ni Abante ang diplomatic protest matapos na kontrahin ni Albay Rep. Edcel Lagman ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang territorial conflict ang Pilipinas sa China

Giit naman ni Lagman, hindi sapat ang daan-daang diplomatic protest na inihain at ihahain pa ng Pilipinas para tumigil ang China sa pagsuway nito sa Hague ruling.

Matatandaang Hulyo 2016 nang magbunyi ang mga Pilipino sa naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) pabor sa Pilipinas sa isyu sa West Philippine Sea.

Binigyang-diin ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang legal na basehan ang China para angkinin ang mga lugar sa South China Sea na nakapaloob sa idineklara nitong “nine-dash line”.

Sa bahagi ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration, binanggit ng korte na ang karapatan na iginigiit ng China sa mga kayamanan sa tubig ay walang bisa dahil incompatible ang mga ito sa “exclusive economic zone” (EEZ) na itinakda ng United Conventions on Law of the Seas (UNCLOS).

Ang nabanggit ay ang isa sa mga konklusiyon ng Unanimous Award na inisyu ng Permanent Court of Arbitration na nakapaloob sa arbitration case na idinulog ng Pilipinas laban sa China.

Iyon nga lamang, makailang ulit naman na binabalewala ng China ang SCS ruling, habang ang Pilipinas ay nananatili sa posisyon nito na lutasin sa mapayapa at diplomatikong negosasyon ang pinagtatalunang SCS.

Maliban sa Pilipinas at China, ang mga bansang umaangkin din sa CSC ay ang Asean member-states gaya ng Brunei, Malaysia, at Vietnam at non-Asean member-state na Taiwan.

Sa kabilang dako, ang kahalintulad din na ruling ang ginamit para ideklara na ang Spratly Islands, Panganiban (Mischief) Reef, Ayungin (Second Thomas) Shoal and Recto (Reed) Bank ay nasa loob ng EZZ ng Pilipinas.

“When China is annexing Philippine territory and building military facilities there, is it correct for the President to say that we do not have territorial conflict with China? After China keeps on bullying Filipino fisherfolk fishing our exclusive economic zone, is it correct for the President to say that we do not have territorial conflict with China?” ayon kay Lagman.

“We could file a million diplomatic protests but China will just throw it in a dustbin of arrogance and aggression,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi naman ni Abante na mandato ng DFA na maghain ng diplomatic protest.

“The DFA will not go to war because filing diplomatic protests is really the work of the DFA,” wika ni Abante.

“We have never said that we do not have territorial conflict with China. We maintain sovereignty on these islands, of which China is trying to occupy,” aniya pa rin.

Para kay Lagman, dapat nang simulan ng Pilipinas na itulak ang pagpapatupad sa Hague ruling.

“For every day that we are not enforcing the arbitral ruling, we are surrendering not only inches but hectares of our rich maritime resource,” ani Lagman. Kris Jose