4,063 sapul ng COVID; Patay lagpas 2,000 na

4,063 sapul ng COVID; Patay lagpas 2,000 na

July 31, 2020 @ 4:23 PM 3 days ago

Share

Manila, Philippines – Record-high na naman ang naitala ng Pilipinas ukol sa panibagong kaso ng coronavirus disease na naidagdag ngayong araw.

Base sa tala ng Department of Health na umabot sa 4,063 mga bagong kaso ang naitala ngayong Hulyo 31 dahilan para umabot na sa 93,354 ang kabuuang COVID-19 case sa bansa.

Umabot naman sa 1,705 ang new cases at 2,358 naman ang late cases.

Ang resultang ito ay isinumite ng 74 mula sa 91 operational laboratories sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ay nasa 26,153 na lamang. Nasa 87.8 percent sa mga kaso ang mild cases.

Sa bagong naitalang mga karagdagang kaso, 3,813 (94%) ang nangyari ngayong Hulyo.

Nangunguna pa rin ang NCR sa may pinakamataas na naitalang mga kaso na may 2,153 cases (56%) ; Region 7, 558 cases (15%);  Region 4A, 492 cases (13%) .

Nakapagtala rin ang DOH ng 165 recoveries kaya umabot na sa 65,178 ang COVID-19 recoveries.

SAMANTALA, tumuntong na sa 2,023 ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa matapos na madagdag ang 40 bagong pumanaw.

Sa nasabing bilang, 27 (68%) ang nangyari ngayong Hulyo;  dalawa (5%) noong Hunyo; dalawa (5%) noong Mayo;  pito (18%) noong Abril at dalawa (5%) noong Marso.

Mayroon namang 83 duplicates ang tinanggal sa total case count.

Sa bilang na ito, 42 na recovered cases ang tinanggal.

Bukod dito, ina-update na rin ang health status ng siyam cases na iniulat na nakarekober pero base sa pinal na balidasyon, walo rito ay pumanaw at 1 ang active case. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Comments (5)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...