4,084 pang bagong kaso ng COVID naitala; 16 patay, 497 nakarekober

4,084 pang bagong kaso ng COVID naitala; 16 patay, 497 nakarekober

January 3, 2022 @ 4:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na naitalang bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Enero 3 na nasa 70 porsyento.

Batay sa inilabas na COVID-19 case update ng Department of Health, nasa 4,084 ang nadagdag na bagong kaso kung saan  4,057 o 99 porsyento ay naitala sa nagdaang 14 araw mula Disyembre 21 hanggang Enero 3.

Sa nasabing bilang, ang NCR ay mayroong 2,831 na kaso, 571 sa Region 4A at 273 sa Region 3 sa nagdaang dalawang linggo.

Mayroon namang 497 na nadagdag sa mga gumaling at 16 na pumanaw.

Sa bilang ng pumanaw, 11 lamang ang naitala noong Disyembre.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa kabuuang 2,855,819 ang kaso ng COVID-19 sa bansa

Nasa 2,779,241 naman ang mga gumaling na sa nakamamatay na sakit habang 51,586 na ang nangamatay.

Sa aktibong kaso, nangunguna naman ang mild case na sinundan ng moderate, severe, asymptomatic at critical na umabot na rin sa 24,992. Jocelyn Tabangcura-Domenden