40K 4Ps beneficiaries kusang umalis sa programa

40K 4Ps beneficiaries kusang umalis sa programa

August 2, 2022 @ 8:38 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Halos 40,000 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang kusang nagpaalis sa programa sa gitna ng kasalukuyang review ng list of beneficiaries.

Ayon sa ulat, target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na alisin ang halos 1.3 milyong pamilya mula sa 4Ps dahil hindi na sila itinuturing na mahirap.

“Marami ring mga success stories na hindi lang karamihan ng ating naririnig na pinang-iinom, pinangsusugal. Mayroon talagang success stories na kagaya nyan na ‘okay na kami, hindi na namin kailangan. Salamat, ibigay nyo na lang sa iba’,” pahayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo.

Halos 600,000 benepisyaryo pa ang iniimbestigahan kung kwalipikado pa sa if they are still financial assistance, ayon sa departmento said

Tatanggalin ang 4Ps beneficiaries sa listahan kung ang monthly income ay tumaas na sa mahigit P12,000, kung walang pinapaaral, o kung ang recipient ay kumpirmadong ginagamit ang cash subsidy sa sugal. RNT/SA