40K COVID case ‘definitely possible’ sa mga susunod na araw – OCTA

40K COVID case ‘definitely possible’ sa mga susunod na araw – OCTA

January 15, 2022 @ 10:03 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ng OCTA Research group ang posibilidad na papalo sa 40,000 ang kaso ng COVID sa mga susunod na araw.

“37,207 new cases today, within error of our blind projected range (35 to 37). This is obviously another new high in cases, and 40k is definitely possible within the next few days,” ani OCTA Research fellow Guido David sa Twitter.

Sa hiwalay na tweet nito, nasa critical risk aniya ang NCR, Baguio City, Naga City, Angeles City, Santiago, Dagupan, at Lucena.

Sinabi pa ni David na posible naman ang pagbaba ng kaso ng COVID sa Metro Manila at ilang bahagi ng Calabarzon.

Kaugnay rito, mananatili naman ang Metro Manila sa Alert Level 3 hanggang Enero 31. RNT/FGDC